Nang dumating si Magellan sa Limasawa noong Marso. 16, 1521, ang Pilipinas ay isa ng bansang Muslim.
144 taon na ang relihiyong Islam sa bansang Pilipinas bago pa dumating ang mga Kastila o ang Kristiyanismo. Isang bansang sumasamba sa nag-iisang Diyos ang Allah (subhannu wa ta'ala).
Katotohanang nakatala sa kasaysayan ng bansang Pilipinas na nang dumating si Legaspi (kapalit ng namatay na si Magellan), ang kumunidad ng mga Muslim ay ganap ng naitatag sa Batanggas, Pampangga, Mindoro, Panay, Catanduanes, Cebu, Samar, Manila, Palawan, Mindanao at Sulu. Ang unang Muslim na nagtanggol sa kalayaan ng Pilipinas at relihiyong Islam ay si Gat. Lapu-Lapu.
Noong Hunyo 3, 1571 ay naglunsad ang mga Kastila ng isang malaking pakikididma sa mga Muslim sa Maynila. Ang Maynila noon ay pinamumunuan ni Rajah Solaiman. Buong tapang niyang ipinagtanggol ang Maynila at Islam hanggang sa huling patak ng kaniyang dugo doon sa Bangkusay sa baybay dagat ng Tundo, Manila. Matapos magapi ng mga Kastila si Rajah Solaiman at ang kaniyang mga kapanalig ay pinagpapatay ng mga Kastila ang maraming Muslim, bata man o matanda. Gayon pa man ang mga Muslim ay matatag at magiting na nagtanggol hanggang sa huling hibla ng kanilang hininga.
Dahil sa mahihinang uri ng sandata na taglay ng mga Muslim (bolos, kris at sibat) laban sa baril at kanyon ng mga Kastila, sila ay napilitang umatras at lumikas patungong probinsya ng Rizal at ang lugar na iyon ay kilala sa ngayon sa tawag na Morong Rizal, at yaong mga lumikas patungo sa gilid ng mga ilog at tinawag sa ngayon na Tagalog (taga ilog) gaya ng Cavite, Laguna at iba pa! Ang mga Muslim sa bayan ng Rizal ay patuloy na nakikipaglaban sa mga Kastila at ang lugar na iyon ay kinilala sa ngayon na Binangonan Rizal.
Ang mga Kastila ay nagtatag ng kanilang puning himpilan sa Maynila atvipinagpatuloy ang pagsasakop sa Isla ng Bisaya. Ang mga Muslim na hindi namatay sa labanan ay napilitang ipatat'wa ang relihiyong Islam at ipinayakap ang relihiyon ng mga Kastila ang Kristiyanismo sa dulo ng Espada. Ngunit ang mga tapat na Muslim ay pinili pa ang ang libingan kaysa lisaninang pagsamba sa nag iisang Diyos ang Allah (subhannu wa ta'ala).
Ang mga Kastila ay hindi tumigil aa pananakop at hinangad nila na sakupin din pati ang Mindanao Ngunit ang mga Muslim dito gaya ng Maranao, Maguindanao, Tausug, Yakans, Samal, at Sangil ay buong tapang at buong giting na nagtanggol at hindi pinayagan ang nais ng mga dayuhan nagtanggol sila noon at patuloy pa ring ipagtatanggol ang Islam hanggang ngayon.
Namayani ang mga Kastila sa bansang Pilipinas sa loob ng may apat na raang taon (400). Napakahabang panahon ng pagpipilit na lipulin ang lahat ng mga Muslim upang mabura nila sa kasaysayan ng Pilipinas ang relihiyong Islam, ngunit sila ay nabigo, hanggang sa ang pamumuno ng mga Kastila ay nagwakas noong 1898 nang agawin ng bansang Amerika ang Pilipinas.
Lumasap man ng pansamantalang pagkalupig ang bansang Pilipinas, ang relihiyong Islam na bigay ng Dakilang Lumikha ay mananatiling nakatayo at matatag, na kailanman ay hindi matitinag.
No comments:
Post a Comment