Ang
Islam ay ipinakilala sa Pilipinas noong taong 1380 CE ng isang Arabong
misyonero na nagngangalang Sharif Makhdum na dumaong sa Sulu. Itinayo
niya ang unang Masjid (mosque) sa Pilipinas sa lugar ng Tubig-Indangan
sa pulo ng Simunol. Ang guho ng Masjid na yaon ay naroroon pa rin
magpahanggang ngayon. Si Sharif Makhdum ay namatay sa pulo ng Sibutu at ang kanyang puntod sa ngayon ay patuloy na dinadalaw ng mga turista.
Noong
1390 CE, si Rajah Baginda ay dumating sa Buansa at kanyang
ipinagpatuloy ang mga gawain ni Sharif Makhdum. Si Abu Bakr ay dumating
sa Jolo noong 1450 CE at di nagtagal ay nag-asawa siya sa anak ni Rajah
Baginda na nagngangalang Putri (Prinsesa) Paramisuli. Si Abu Bakr ang
nagtatag ng Sultanata ng Sulu kaya’t siya at ang kanyang asawa ang
naging mga unang Sultan at Sultana ng kalupaan.
Pagkaraan na
maitatag ang Islam sa Sulu, ang mga Muslim ay nagsilikas papunta sa
Mindanao at si Sharif Kabungsuan ang siyang namuno ng delegasyon. Siya
ay lumunsad sa Maguindanaw (na ngayon ay Cotabato) noong taong 1475 CE
at di nagtagal ay nag-asawa siya kay Putri Tunina. Sila ang mga unang
Sultan at Sultana ng Maguindanaw.
Sa mga sumunod pang taon,
marami pang mga Datung Muslim ang nagsidating sa Pilipinas pagkaraan
nilang mabalitaan ang magandang pagtanggap na nakamit ng mga nanga-una
roon. Mula sa Borneo ay nanggaling ang Sampung Datu na nagsidaong sa
Panay. Ang mga Datung ito ay sina Puti, Sumakwel, Bangkaya, Dumangsol,
Paiburong, Paduhinog, Lubay, Dumangsil, Dumalogdog at Balensula (na
ngayon ay Balenzuela).
Si
Datu Puti ang siyang pinuno ng mga pangkat ng datu. Nagkataon kasi na
siya ay bihasang manlalayag. Sila ay dumaong sa San Joaquin, Iloilo (na
ang pangalan ng panahong yaon ay Siwaragan).
Binili nina Datu
Puti at ng siyam pang Datu ang kababaang lupain sa Iloilo mula kay
Marikudo, ang pinuno ng Atis (Pygmies), at sila ay nagtatag ng pamayanan
doon.
Nang ang mga lupaing nasasakupan (mga kolonya) ng Borneo
ay matatag nang nakatindig sa Panay, sina Datu Puti, Datu Balensula at
Datu Dumangsil ay naglakbay papunta sa hilaga at sila ay lumunsad sa
Batangas sa Luzon.
Sina Datu Balensula at Datu Dumangsil ay
nagtatag ng mga kolonya roon nguni’t si Datu Puti ay bumalik sa Borneo
sa landas ng Mindoro at Palawan. Isinalaysay niya ang kanilang
pakikipagsapalaran sa mga tagaBorneo at dahil doon ay marami pa ang
naakit na magtungo sa Pilipinas.
Sa panahon nang lumunsad si
Magallanes sa Limasawa noong Marso 16, 1521 CE, ang Pilipinas ay isa
nang ganap na bansang Muslim sapagkat ang karamihan ng kanyang mamamayan
ay mga Muslim. Ito’y isang katotohanan sa kasaysayan nang si Legaspi
(ang humalili kay Magallanes) ay dumating sa Pilipinas, ang mga
kahariang Muslim ay matatag nang nakatindig sa Batangas, Pampanga,
Mindoro, Panay, Catanduanes,Cebu, Bohol, Samar, Manila, Palawan bukod pa
sa buong Mindanao at mga pulo ng Sulu.
Noong
Hunyo 3, 1571 CE, ang mga Kastila ay naglungsad ng malaking digmaan sa
mga Muslim sa Manila na pinangungunahan ni Rajah Solaiman, ang pinuno ng
mga Sultan sa Luzon. Si Rajah Solaiman ay buong katapangan na
nagtanggol sa kanyang kaharian hanggang sa huling patak ng kanyang dugo
sa Bangkusay (baybay dagat ng Tondo). Pagkaraang malupig si Solaiman,
ang mga Kastila ay nanalanta sa Luzon at pumatay ng mga kalalakihan,
kababaihan at mga bata, bata at matanda man. Sa isang banda, ang mga
Muslim ay nakipaglaban hanggang sa huling hibla ng kanilang hininga, na
gamit ang mga bolo at sibat laban sa mga baril at kanyon. Ang mga
Kastila ay nagtatag ng kanilang kabisera sa Manila at nagbalak na
sakupin ang Visayas. Sa maigsing panahon, sila ay nagtagumpay sa
Visayas. Ang mga Muslim na hindi namatay sa digmaan ay napilitang
talikuran ang kanyang pananampalataya at tanggapin ang Kristiyanismo.
Datapuwa’t ang mga magigiting na Muslim ay nagnais na piliin ang
libingan kaysa ang lumapastangan ng laban kay Allah. Sa ibang banda, ang
mga katutubo na mahina sa kanilang pananampalataya ay tumanggap sa
relihiyon ng Kastila.
Ang mga Kastila ay hindi pa tumigil sa
Luzon at Visayas. Sila ay buong kasakiman na nangangarap na mapasakanila
ang mayamang lupain ng Mindanao. Datapuwa’t ang mga tribu ng Maranaw,
Maguindanaw, Tausog, Yakan, Samal at Sangil ay pumigil sa mga Kastila.
Kaya’t ang bantog na digmaan ng mga Muslim at Kastila ay nagsimula.
Mayroong dalawang dahilan ang digmaan:
1.
Ang mga Kastila ay nagnais na pamahalaan ang mga Muslim, datapuwa’t ang
mga Muslim ay nagmamahal sa kanilang kalayaan at mamatamisin pa ang
mamatay kaysa maging alipin.
2. Ang mga Kastila ay nangangaral ng
Kristiyanismo sa dulo ng espada, kaya’t ang mga Muslim ay humawak ng
kris upang ipagtanggol ang Islam hanggang katapusan.
Ang mga iba’t ibang Datu na nagtanggol sa Mindanao laban sa mga mananalakay ay sina:
1. Si Sultan Pangiran ng mga Tausog na nagtanggol sa mga lugar ng Zamboanga at Sulu.
2. Si Datu Sirungan at ang kanyang kapatid na si Datu Ubal ng
Maguindanaw ang siyang nakapatay kay Kapitan Figueroa sa lipon ng
sumasalakay na Kastila.
3. Bilang ganti sa paglusob na ginawa ng mga
Kastila sa Mindanao, si Datu Sirungan ng Maguindanaw at Datu Buisan ng
Sultanata ng Lanao ay naglunsad ng ganting paglusob sa Visayas. Nilusob
nila angCebu, Negros at Panay at nadakip nila ang maraming Kristiyano na
ginawa nilang mga alipin.
4. Si Datu Tagal ng Cotabato ay nakapatay ng maraming mandirigmang Kastila at nakabihag ng maraming Kristiyanong alipin.
5. Si Sultan Kudarat ng Cotabato ay nagtanggol sa Lamitan hanggang sa
siya ay mapilitan na umurong sa Iligan dahilan sa nakakahigit na mga
sandata ng mga Kastila.
6. Si Sultan Bungsu ng Zamboanga ay lumaban
ng buong kabagsikan sa mga mananalakay. Nang ang kanyang asawang si
Pangian Tuan Baloca ay mabihag ng mga Kastila ay pinag-ibayo niya ang
kanyang pakikidigma hanggang sa mapalaya niya ang Jolo noong taong 1645
CE sa mga Kastila at ipinag-utos niya ang pagwasak sa garison ng Kastila
na itinayo sa Zamboanga.
7. Sina Sultan Jamaluddin Al Alam at
Sultan Badruddin III ay patuloy na nagtanggol sa Mindanaohanggang sa
pagdating ng mga Briton. Sapagkat hindi nagawang lupigin ng Espanya ang
mga Muslim, sila ay lumagda sa kasunduan ng kapayapaan at bumayad ng mga
buwis kay Jamaluddin at Badruddin.
8. Si Datu Udtog ng Cotabato ang pumatay kay Gobernador Emilio Terrero ng mga Kastila.
9. Si Datu Ali of Balo-i, Lanao ang pumatay sa Gobernador ng Misamis na si Valeriano Weyler.
10. Ang matapang na mga Maranaw ang pumatay kay Heneral Ramon Blanco sa
panahon ng huling pagtatangka ng mga Kastila na masakop ang Mindanao.
Ang pamamahala ng Espanya ay nagwakas noong taong 1898 CE at ang mga Amerikano ang humalili sa pamamahala mula sa mga Kastila.
Pagkaraan ng mahigit sa TATLONG DAANG TAON ng pagtatangka na masakop
ang mga Muslim, ang Espanya ay nabigo at ang mga Muslim sa Mindanao ay
matagumpay na naipagtanggol ang Islam saMindanao at Sulu.
Gayundin ang nangyari sa mga Amerikano at mga Hapon na nagtangka rin na sakupin sila.
ANG ISLAM AY LAGING MAGWAWAGI, INSHA’ALLAH